Jeff Grecia
Gahaman
[Verse 1]
Agahan natin ang pag-isip at tumingin sa paligid
Madami kang matututunan
At halika, natin lakbayin patungo do'n sa mga ulap
Ako'y nasa alapaap at madami ang natatanaw
Kaya gustong baguhin ang nilalaman ng pananaw
Hindi pa sinubukan, bakit na agad hinusgahan?
Sinindihan ko na, unti-unti ko na nadarama
Payapa na sistema at kitang-kita na sa mata

[Pre-Chorus]
Lumilipad na nga ko do'n sa kataas-taasan
Nakita ko si Pedro, dala yung kanyang listahan
Bawal nga daw pumasok yung mga banal-banalan
Nakita ko madami din hinarang na mayaman
Masyado daw gahaman, magulang kung lumaban
Busog sila, gutom iba, tapos maang-maangan
Pera ang inuna at ang buhay dinededma
Gusto kong baguhing tungo dito sa mahal kong musika

[Chorus]
Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat
Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat
[Verse 2]
Sa sunod na kabanata, nag-iba na mga bata
Madaming matalino, yung iba sabay sa uso
Basurang edukado, kailan ka matututo?
Hindi pa ba sapat ang nakikita mo, katoto?
Kasi hindi pa todo, kalat ang mga bobo
Simpleng basura lang hindi maitapon, oo
Dumami mga tao at ubos na mga puno
Pinapatay nila, gawa din ng itim na usok

[Pre-Chorus]
Lumilipad na nga ko do'n sa kataas-taasan
Nakita ko si Pedro, dala yung kanyang listahan
Bawal nga daw pumasok yung mga banal-banalan
Nakita ko madami din hinarang na mayaman
Masyado daw gahaman, magulang kung lumaban
Busog sila, gutom iba, tapos maang-maangan
Pera ang inuna at ang buhay dinededma
Gusto kong baguhing tungo dito sa mahal kong musika

[Chorus]
Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat
Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat
[Verse 3]
Kalat na ang basura at umabot na sa dagat
O panibago na sakit, heto pakalat kalat
Hindi pa nga tapos, ang hayop ay malapit nang maubos
O bakit nga hindi ito matigil kakaustos?
Nang dahil nga sa pera, tumatakbo sa ulo
Sarili iniisip at hindi pangkalahatan
Wala silang pake kahit ikaw ay matapakan
At sabi ni Tamad, heto ang kanyang kapalaran