Callalily
Muli
[Verse 1]
Nakakunot na naman ang noo
Nagsisigawan na naman tayo
Mga damdamin ay nasasaktan
Puwede na ba natin 'tong tigilan?

[Chorus]
Sana bukas magkita na tayong muli
Hindi na sasayangin ang bawat sandali
Magyayakapan, tapos na ang iyakan
Magiging maayos nang muli ang lahat

[Verse 2]
Hindi na naman ako pinapansin
Tinataboy sa tuwing naglalambing
Hindi na alam kung sino ang tama o mali
Bigla mo na lamang akong pinapauwi

[Chorus]
Sana bukas magkita na tayong muli
Hindi na sasayangin ang bawat sandali
Magyayakapan, tapos na ang iyakan
Magiging maayos nang muli ang lahat

[Instrumental Break]
[Verse 3]
'Wag na tayo magpanggap
Alam kong pareho natin 'tong 'di matatanggap
Halika na dito sa aking tabi
At sabihin na 'di ka bibitaw hanggang sa huling sandali

[Chorus]
Sana bukas magkita na tayong muli
Hindi na sasayangin ang bawat sandali
Magyayakapan, tapos na ang iyakan
Magiging maayos nang muli ang lahat