[Verse 1]
Mabigat ba ang iyong loob?
Natural, punong-puno ng pagod
Kayang-kaya mo 'yan
[Verse 2]
Tumigil muna sa tabi
Lahat ng 'yan ay mapapawi
Minsan 'di kailangan magmadali
[Pre-Chorus]
Araw-araw nagsusumikap
Kinabukasa'y hinahanap
Hinga lang muna nang malalim
Kahit na ang araw mo'y gabi
[Chorus]
Ang lahat ng para sa 'yo (Salubungin mo)
Lahat ng pinapangarap mo (Aabutin mo)
Walang hihigit sa 'yo (Asahan mo)
Basta't magpakatotoo
[Verse 3]
Kung mayro'n kang pinoproblema
Manalig ka at maniwala
Lahat ay may paraan
[Verse 4]
Lahat ng iyong pinaghirapan
Siguradong may pupuntahan
Konting tiis na lang
[Pre-Chorus]
Araw-araw nagsusumikap
Kinabukasa'y hinahanap
Hinga lang muna nang malalim
Kahit na ang araw mo'y gabi
[Chorus]
Ang lahat ng para sa 'yo (Salubungin mo)
Lahat ng pinapangarap mo (Aabutin mo)
Walang hihigit sa 'yo (Asahan mo)
Basta't magpakatotoo
[Instrumental Break]
[Chorus]
Ang lahat ng para sa 'yo (Salubungin mo)
Lahat ng pinapangarap mo (Aabutin mo)
Walang hihigit sa 'yo (Asahan mo)
Ang lahat ng para sa 'yo (Salubungin mo)
Lahat ng pinapangarap mo (Aabutin mo)
Walang hihigit sa 'yo (Asahan mo)
Basta't magpakatotoo (Asahan mo)
Alam mong tama ang mundo, woah