Joema Lauriano
Crisostomo
[Verse 1]
Bakit kailangan pang mabuhay ni Jose Rizal
Para lang isulat ang istorya nating dalawa?
Eh meron naman tayong sariling mga pahina
Pwede 'yon pagdugtungin at gawin nating nobela
'Di na kailangan pang istorbohin 'yung na kay G
'Lika nga sa tabi ko, reverse Noli Me Tangere
Ako 'yung Crisostomo Ibarra mo, binibini
At tanging kay Maria Clara lang ang aking mga ngiti

[Pre-Chorus]
'Di totoong mestisa hanap-hanap ko
'Di mo ba kilala ang iyong Crisostomo?

[Chorus]
'La akong pake sa Chinitang mestisa
Ang gusto ko'y tulad mo na dalagang Pilipina
Baka pwede ka na maging Mrs. Ibarra
Tayo mismo gagawa ng panibago nating nobela

[Verse 2]
Gagawin ko ang lahat, oh, aking Maria Clara
Walang kinatatakutan po ang iyong Ibarra
Kahit sinong kolonisador ay haharangin ko
Ultimo bala ni Padre Salvi, ako sasalo
Ano binibini, G? Bawal ka nang tumanggi
Rebisahin natin ang lumang Noli Me Tangere
Sorry, Dr. Jose P., ito'y bagong HeKaSi
Gagawa kami ng bagong storya na pang history
[Pre-Chorus]
'Di totoong mestisa hanap-hanap ko
'Di mo ba kilala ang iyong Crisostomo?

[Chorus]
'La akong pake sa Chinitang mestisa
Ang gusto ko'y tulad mo na dalagang Pilipina
Baka pwede ka na maging Mrs. Ibarra
Tayo mismo gagawa ng panibago nating nobela

[Bridge]
'Di lang 'to basta-basta isang kanta
Ito'y liham ng panliligaw kay Maria Clara
Sana'y maabot ng tulang ito
Ang puso mo (Ang puso mo), ang puso mo (Ang puso mo)
Para malaman mong
Ikaw lang talaga ang aking gusto, oh-oh

[Chorus]
'La akong pake sa Chinitang mestisa
Ang gusto ko'y tulad mo na dalagang Pilipina
Baka pwede ka na maging Mrs. Ibarra
Tayo mismo gagawa, ah
'La akong pake sa Chinitang mestisa
Ang gusto ko'y tulad mo na dalagang Pilipina
Baka pwede ka na maging Mrs. Ibarra
Tayo mismo gagawa ng panibago nating nobela