[Intro]
Tara, kape tayo, treat ko, 3-in-1 o puro
Samahan mo ako, do'n lang sa may kanto
Kape tayo, treat ko, bet mo ba may puto?
Ano bang gusto mo?
[Verse 1]
Hala, totoo pala na mayroong diwata
Sobrang ganda, kitang-kita ng aking mga mata
Dito lang 'yon sa amin, mga bandang eleven
At naglakas-loob na 'ko na siya ay ayain
Pero teka lang
[Pre-Chorus]
Kulang ang dala kong pera
Ano kaya ang pwedeng bilhin ng singkwenta?
Sayang naman kasi kung papalampasin pa
Ah, bahala na, alam ko na
[Chorus]
Tara, kape tayo, treat ko, 3-in-1 o puro
Samahan mo ako, do'n lang sa may kanto
Kape tayo, treat ko, bet mo ba may puto?
Ano bang gusto mo?
Tara, kape tayo, treat ko, 3-in-1 o puro
Samahan mo ako, do'n lang sa may kanto
Kape tayo, treat ko, bet mo ba may puto?
Ano bang gusto mo?
Basta't ikaw lang at ako
[Verse 2]
Dalawang kape nga d'yan tyaka pakibilisan
Ayokong pinaghihintay ang isang Bathaluman
Paabot ng asukal para medyo espesyal
Gusto ko matamis tulad ng ngiti ni mahal
Ngayon all goods na
[Pre-Chorus]
Sakto 'yung dala kong pera
Pag-ibig ang inabot ng aking singkwenta
Minsan talaga ay sasang-ayon ang tadhana
Hatid na kita, sana ay maulit pa

[Outro]
Tara, kape tayo, treat ko, 3-in-1 o puro
Samahan mo ako, do'n lang sa may kanto
Kape tayo, treat ko, bet mo ba may puto?
Ano bang gusto mo?
Basta't ikaw lang at ako