Eraserheads
Tindahan Ni Aling Nena
[Intro: Ely Buendia]
Isang araw
[Verse 1]
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena
Para bumili ng suka
Pagbayad ko aking nakita
Isang dalagang nakadungaw sa bintana
Natulala ako, laglag ang puso ko
Nalaglag rin ang sukang hawak ko
Napasigaw si Aling Nena
Ako naman ay parang nakuryenteng pusa!
Ngunit natanggal ang hiya
Nang nakita ko na nakatawa ang dalaga
Panay ang sorry ko sa pagmamadali
Nakalimutan pa ang sukli ko
Pagdating sa bahay, nagalit si nanay
Pero oks lang ako ay inlababo nang tunay
[Chorus]
Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kuwentong pampelikula
Mura na at sarisari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
[Verse 2]
Pumunta ako sa tindahan, kinabukasan
Para makipagkilala
Ngunit sabi ni Aling Nena
Habang maaga'y huwag na raw akong umasa
Anak niya'y aalis na papuntang Canada
Tatlong araw na lang ay ba-bye na
[Chorus]
Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kuwentong pampelikula
Mura na at sarisari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
[Verse 3]
Hindi mapigil ang damdamin
Ako'y nagmakaawang ipakilala
Payag daw siya kung araw-araw
Ay meron akong binibili sa tinda niya
Ako'y pumayag at pinakilala niya
Sa kanyang kaisa-isang dalaga
Ngunit nang makilala, siya'y tumalikod na
At iniwan akong nakatanga
[Chorus]
Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kuwentong pampelikula
Mura na at sarisari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
Tindahan ni Aling Nena
Dito nauubos ang aking pera
Araw-araw ay naghihintay
O Aling Nena, please naman maawa ka-ahh
[Outro]
Alam nyo'ng nangyari?
Wala, ah, wala, ah
Ah-ah-ah-ah (Oh, diyos ko!)
Wala, ah, wala, ah
Ah, ah, ah