Piolo Pascual
Ala-Ala Niya
Di ko malilimutan
Ang aming pagmamahalan
Sa isa’t-isa
Laging naalala
Mala-anghel niyang tawa
Oh anong tuwa kapag kasama ko na siya noon
Kay bilis lumipas ng panahon
Parang kahapon lang mga bisig niya’y dama ko pa
Kahit ngayon wala na siya
Bumabalik ang ala-ala niya
Puso kaya’y matatahimik pa?
Hangad ko mang limutin siya
Sa isip ngunit ‘di ko magawa
Hanggang kailan mananatili ang ala-ala niya?
‘Di ko pa rin maisip
Kung bakit siya ay lumayo sa piling ko
Ang tungkulin ko naman
Ay aking ginampanan
Sa isang kisap-mata
Ang pag-ibig niya’y naglaho na
Kahit ngayon wala na siya
Bumabalik ang ala-ala niya
Puso kaya’y matatahimik pa?
Hangad ko mang limutin siya
Sa isip ngunit ‘di ko magawa
Hanggang kailan mananatili ang ala-ala niya?
Tanggap ko
Ngunit ‘di pa natututo
Hangga’t ang ala-ala niya’y buhay sa isip ko
Kahit ngayon wala na siya
Bumabalik ang ala-ala niya
Puso kaya’y matatahimik pa?
Hangad ko mang limutin siya
Sa isip ngunit ‘di ko magawa
Hanggang kailan mananatili ang ala-ala niya?