Yeng Constantino
Pasko Sa Pinas
[Verse 1]
Nadarama ko na ang lamig ng hangin
Naririnig ko pa ang maliliit na tinig
May dalang tansang pinagsama-sama't ginawang tambourine
Ang mga parol ng bawat tahana'y nagniningning

[Pre-Chorus]
Ibang mukha ng saya
Himig ng Pasko'y nadarama ko na

[Chorus]
May tatalo pa ba sa Pasko ng 'Pinas?
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
'Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang-iba talaga ang Pasko sa 'Pinas

[Verse 2]
May simpleng regalo na si Ninong at si Ninang
Para sa inaanak na nag-aabang
Ang buong pamilya ay magkakasama sa paggawa ng Christmas tree
Ayan na ang barkada, ikaw ay niyayaya para magsimbang gabi

[Pre-Chorus]
Ibang mukha ng saya
Himig ng Pasko'y nadarama ko na
[Chorus]
May tatalo pa ba sa Pasko ng 'Pinas?
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
'Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang-iba talaga ang Pasko sa 'Pinas

[Bridge]
Ibang-iba talaga kahit saan ikumapara
May ibang ihip na hangin, 'di maintindihan
Mapapangiting bigla sa kung saan ano ang dahilan
Nadarama mo na ba? Mo na ba? Mo na ba?

[Chorus]
May tatalo pa ba sa Pasko ng 'Pinas?
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
'Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang-iba talaga ang Pasko sa 'Pinas
May tatalo pa ba sa Pasko ng Pinas?
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
'Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang-iba talaga ang Pasko sa Pinas