Francis M.
Higante
[Verse 1 : Ely]
Narito palagi
Di nawawala
Ang bendisyon ng pari
Laging nasa kanya

'Sing taas ng ulap
Ang kanyang tindig
Nakaupo sa palad
Ang buong daigdig

[Chorus 1 : Ely]
Ah
Siya ay dambuhala
Siya'y nakakalula
Dadalhin ka niya
Sa sukdulan

[Verse 2 : Francis M.]
Tumingala sa langit
Kung nais mong makita
Ang higanteng panget
Tila naninindak

Sa noo nakasipa
Ang aking saltik
Sa lakas ng tira
Sa lupa siya humalik
[Chorus 2 : Duet]
Ah
Siya ay dambuhala
Siya'y nakakalula
Dadalhin ka niya
Sa sukdulan

[Post Chorus : Duet]
Maliliit na tao ay walang kalaban-laban

[Bridge : Francis M.]
Sino ka makaasta
Isa kang kontra bida diba
Maliliit na tulad namin sinasaktan mo at kinakain
Magtago ka na dambuhala kakampi namin si bathala
Kung ayaw mo na maniwala sa bato mapipinsala

[Chorus 3 : Duet]
Ah
Siya ay dambuhala
Siya'y nakakalula
Dadalhin ka niya

[Chorus 4 : Duet]
Ah
Siya ay dambuhala
Siya'y nakakalula
Dadalhin ka niya
Sa sukdulan
[Chorus 5 : Duet]
Ah ah
Siya ay dambuhala
Siya'y nakakalula
Dadalhin ka niya
Sa sukdulan

[Instrumental Outro]