Andrew E.
Mas Gusto Mo Siya
Sa gabing ika'y kalakip puso'y nag uugnay
Kaligayahan at sa halip napapawi ang lumbay
Lagi na nga kita iniisip pag ibig ko'y tunay
At pati sa panaginip ito'y walang humpay

Ngunit kung ang pagsuyo di na magtatagal
Sabihin na sa kin kung may iba kang mahal
At kung ako sayo'y sadya ng bale wala
Pag ibig kong ito'y wala ng magagawa

At aanhin pa ang puso kung di mo pansin
Hindiing hindi na natuto bigo ang damdamin
Ito ba ang pag suyo na dapat tanggapin
Di malaman kung paano ang aking gagawin

Ngunit kung ang pagsuyo di na magtatagal
Sabihin na sa kin kung may iba kang mahal
At kung ako sayo'y sadya ng bale wala
Pag ibig kong ito'y wala ng magagawa

Huling huli ko ikaw ngunit di makasigaw oh
Ngayon ay alam ko na mas gusto mo sya oh
Oh

Ang ika'y mapasaakin kaligayahan na
Ang lahat ay hahamakin masunod ka lang sinta
Sino ba ang pipiliin sa aming dalawa
Kaya't sabihin na sa akin ako'y wala na ba
Ngunit kung ang pagsuyo di na magtatagal
Sabihin na sa kin kung may iba kang mahal
At kung ako sayo'y sadya ng bale wala
Pag ibig kong ito'y wala ng magagawa

Ang bakas ng lumipas aking babalikan
Di ba't ako ang taga-pilas ng iyong kalungkutan
Ngunit bakit pinapilas ang ating samahan
Marahil sa iyong pag-iwas ako'y napabayaan

Ngunit kung ang pagsuyo di na magtatagal
Sabihin na sa kin kung may iba kang mahal
At kung ako sayo'y sadya ng bale wala
Pag ibig kong ito'y wala ng magagawa

Huling huli ko ikaw ngunit di makasigaw oh
Ngayon ay alam ko na mas gusto mo sya oh
Huling huli ko ikaw ngunit di makasigaw oh
Ngayon ay alam ko na mas gusto mo sya