Siyang tunay ang bawat simula'y mayroong katapusan
Ngunit ang alaala'y laging na andyan
Naroon sa puso mo
Lalo’t wakas ang pag ibig sayo
Kung bakit di mo masabi ang bukas na darating
Kahit buong tapat ang puso't damdamin
Minsa'y nasasaktan
Bakit nga ba pag-ibig ay ganyan
Iluha mo kung puso ay nagdaramdam
Itawa ang bawat saya na nararamdaman
Dadal'wa ang mukha ng buhay
Sa puso’y kailangan ng tibay
May wakas at may simula ang tagumpay
Sakali man ngayon ay di ngayon sa’yo
Ganyan lamang ang buhay sa mundo
Pasasaan ma’t makakamtan din
Lalo’t tapat ang yong mithiin
Pagtakas ay di mo dapat na isipin
Kung bakit di mo masabi ang bukas na darating
Kahit buong tapat ang puso't damdamin
Minsa'y nasasaktan
Bakit nga ba pag-ibig ay ganyan
Iluha mo kung puso ay nagdaramdam
Itawa ang bawat saya na nararamdaman
Dadal'wa ang mukha ng buhay
Sa puso’y kailangan ng tibay
May wakas at may simula ang tagumpay
Sakali man ngayon ay di ngayon sa’yo
Ganyan lamang ang buhay sa mundo
Pasasaan ma’t makakamtan din
Lalo’t tapat ang yong mithiin
Pagtakas ay di mo dapat na isipin
Kabiguan ay di isang hadlang
Lumaban ka hanggang sa kailanman
Dadalwa ang mukha ng buhay
Tunay na mayroon kang karamay
Tumawag ka’t s'ya ay magsisilbing gabay...