Imelda Papin
Habang May Panahon
[Verse 1]
Ilang ulit nagsalitan
Ang tag-araw at tag-ulan
Magkahalong tuwa't lungkot
Ang aking naramdaman
O kay bilis ng panahon
Ni hindi ko namalayan
Kasimbilis ng ikot
Ng iba't ibang kasaysayan

[Verse 2]
Ilang ulit na ako
Ay nag-alay na ng pag-ibig
Ilang ulit na nadala
Ngunit muling nagbabalik
Sa pagtupad ng pangarap
Hinamon ko ang daigdig
Ilang ulit na nadapa
Ilang ulit ding tumindig

[Chorus]
Kay bilis-bilis ng panahon
Kay layo na ng kahapon
At habang may panahon
Harapin ang bawat ngayon
[Verse 3]
'Di nadarang ang puso ko
Sa init ng kabataan
At ni minsan ang diwa ko'y
'Di nilasing ng tagumpay
Ngunit minsan ako'y bigo
Halos walang malapitan
Kaya ako'y nanalig sa
Sarili kong kakayahan

[Verse 4]
Muli't muling nagsalitan
Ang tag-araw at tag-ulan
Magkahalong tuwa't lungkot
Ang aking nararamdaman
Heto ako't nasa gitna
Nakikihamok sa buhay
Binabagtas ang landas ng
Sarili kong kasaysayan

[Chorus]
Kay bilis-bilis ng panahon
Kay layo na ng kahapon
At habang may panahon
Harapin ang bawat ngayon
Kay bilis-bilis ng panahon
Kay layo na ng kahapon
At habang may panahon
Harapin ang bawat ngayon
[Outro]
Kay bilis-bilis ng panahon
Kay layo na ng kahapon