Michael V
Gusto Ko Nang Bumigay
[Verse 1]
Umiindak sa tabi-tabi
Baka lang mayroong makarinig
'Pag mayroong rampahan sa tindahan
Sana naman maka-awra lang
Pa'no ba? Eto na
Muntikan nang mahuli ng asawa pero 'di nadala
Tinry ko pang umapila
[Pre-Chorus]
Hindi talaga 'ko kalalakihan
Papa'no sasabihin 'to? Nahihiya ako sa 'yo
Ngayong singkwenta na ako
Parang hindi na makapaghintay
Ang gusto ko rumampa magdamagan na iba-ibang suot
Iba-ibang damit
[Chorus]
Gusto ko nang bumigay
'Yan lang ang sigaw ng puso
Gusto ko nang bumigay
Pero too late na siguro
Tagal ko nang pinigil pero lalo lang nanggigil
Kailan ba ako pwedeng bumitaw?
Gusto ko nang bumigay-ay-ay
[Verse 2]
Pinag-bawalan ng mga magulang ko
Ilang taon na ba 'kong ganito?
Nung nag duda ang tatay ko, sa drum, nilunod nya ako
Sirena na ako
May aawat pa ba?
Eh wala naman akong pake kung totoo ang kutob
Parang mas gusto ko na sa likod
[Chorus]
Gusto ko nang bumigay
'Yan lang ang sigaw ng puso
Gusto ko nang bumigay
Pero too late na siguro
Tagal ko nang pinigil pero lalo lang nanggigil
Kailan ba ako pwedeng bumitaw?
Gusto ko nang bumigay-ay-ay
Gusto ko nang bumigay-ay-ay
[Bridge]
Mag va-volleyball, umii-spike habang kinikilig (Aah)
Nagmamaganda sa pupuntahan
Ganyan lang, 'yan naman ang hilig
Wag nga kayo!
Sinasabi n'yo pa na ako ay kadiri
Bawal bang magkamali?
Hindi naman nagpabaya
Kung gusto kong magpabaya mas madali
Yeah, yeah, yeah
Haah, haah, haah
[Chorus]
Gusto ko nang bumigay
'Yan lang ang sigaw ng puso
Gusto ko nang bumigay
Pero too late na siguro
Tagal ko nang pinigil pero lalo lang nanggigil
Kailan ba ako pwedeng bumitaw?
Gusto ko nang bumigay-ay-ay
Gusto ko nang bumigay-ay-ay
Gusto ko nang bumigay, bumigay, bumigay
Gusto ko nang bumiay
Jusko ko, day
[Outro]
Pagbibigyan ko na ang sarili
Bibigay, bibigay na