Michael V
Bote Dyaryo
[Intro]
Bote, diyaryo
Diyaryo, bote
Ah, bote, diyaryo

[Instrumental Break]

[Verse 1]
Ako'y isang ordinaryong Pilipino
'Di 'kinakaila ang katayuan ko
Sa panahon ngayon, dapat kang magsumikap
Pakinggan mo itong Bote Diyaryo rap
Ako'y may kaibigan, tagadiyan sa Taguig
Kapag nakita siya, mga girls kinikilig
He's tall and dark, 'di masyadong guwapo
Pero ang katawan, hanep, maskulado
Kaya naman gano'n ang kanyang pigura
Nagtutulak siya ng kariton sa t'wina
Kaya naman dark, nakabilad sa araw
At habang tumutulak ito, kanyang sigaw

[Chorus]
Bote, diyaryo
'Wag kang mahihiya sa 'yong ginagawa
Bote, diyaryo
Ang magbanat ng buto ay hindi masama
Bote, diyaryo
Basta ito'y marangal at alam mong tama
Bote, diyaryo
[Verse 2]
Itong aking kaibigan ay may nililigawan
Isang babae nga, anak ng mayaman
Pero 'di dahil sa pera kaya niya dinigahan
Dahil sa ganda ng mukha at kalooban
Lagi na lang 'pag may nagliligawan
Mayro'ng isang taong pilit humaharang
Isang lalaki na ugali ay garapal
Ang tawag sa kanya ay Karibal
Itong si Karibal, masama ang ugali
Kawawa kong barkada'y laging inaapi
Nakatsaleko't todo aircon 'pag dumadalaw
Barkada ko nama'y kariton araw-araw

[Chorus]
Bote, diyaryo
'Wag kang mahihiya sa 'yong ginagawa
Bote, diyaryo
Magbanat ng buto ay hindi masama
Bote, diyaryo
Basta ito'y marangal at alam mong tama
Bote, diyaryo

[Instrumental Break]

[Hook]
Ah, bote, diyaryo
Ah, bote, bote, diyaryo kayo diyan
[Verse 3]
Lumipas ang ilang mahahabang taon
Medyo nag-iba ang timpla ng panahon
Ang kaibigan ko, dahil sa pagsusumikap
Umunlad nang todo, nakaahon na sa hirap
Gano'n din ang nangyari sa kanyang nililigawan
'Di rin nagtagal, sila'y nagkatuluyan
Itong si Karibal, dahil siya ay maluho
Siya naman ang naghirap, buhay niya ay nagulo
Kaya, mga tsong, 'wag kayong mahihiya
Kung alam niyong tama ang inyong ginagawa
Ang inyong buhay, puwedeng guminhawa
Kahit sa bote diyaryo lang nagsimula

[Chorus]
Bote, diyaryo
'Wag kang mahihiya sa 'yong ginagawa
Bote, diyaryo
Magbanat ng buto ay hindi masama
Bote, diyaryo
Basta ito'y marangal at alam mong tama
Bote, diyaryo