Vice Ganda
Mahal Ako Ng Mahal Ko
[Verse 1]
Ang dami kong piniling mahalin
Inalayan ng lahat ng sa akin
Ilang beses nang sumugal
Pero ako lang ang nagmahal
'Di pa rin ako tumigil magdasal
[Verse 2]
Ako raw ay mahirap ibigin
'Di daw nila makakayang tanggapin
At bigla kang dumating
Pinatunayan mo sa akin
Ako ay karapat-dapat ding mahalin
[Chorus]
Nagbago ang mundo nang mapasa'yo
Nawala ang lahat ng takot ko
Salamat sa iyo at pinaramdam mo
Na mahal ako ng mahal ko
[Verse 3]
Ikaw ang tugon sa 'king mga hiling
Pag-ibig mo na kusang dumating
At niyakap mo ang lahat
Kagalingan at sugat
Minahal mo ako, bilang ako
[Chorus]
Nagbago ang mundo nang mapasa'yo
Nawala ang lahat ng takot ko
Salamat sa iyo at pinaramdam mo
Na mahal ako ng mahal ko
[Bridge]
At kung meron mang hangganan
Hindi pa rin mawawala
Pasasalamat sa iyong pinadama
[Chorus]
Nagbago ang mundo nang mapasa'yo
Nawala ang lahat ng takot ko
Salamat sa iyo at pinaramdam mo
Na mahal ako ng mahal ko
Kay sarap na mahal mo rin ako