Loki
LSDreams
[Intro: Pino G]
Love, sex, dreams
Love, sex, dreams

[Chorus: Pino G]
Making love, sex, dreams
Making love, sex, and dreams
Love, sex, dreams
Those things without you are nothing

[Verse 1: Lo Ki]
Kapag kasama ka, ang langit ay ang lapit
Ang kislap ng ‘yong mata, sadyang nakakaakit
Binigyan mong halaga, puso kong ‘di ginagamit
Na kung mahulog sa iba, sa ‘yo pa rin kakapit (sa ‘yo pa rin kakapit)
(Mundo'y maliit) para sa ‘ting dalawa
Kaya gusto ko hanggang sa panaginip kasama kita
At sa gabing malamig na merong kasamang buhos ng ulan
Ang mga mata mo sa parte ng mukha mo ang aking pinaka-nagugustuhan
Ikaw ay parang buwan sa likod ng makapal na hamog
Ganda mong panlabas, sa loob
Para bang bahaghari sa ibabaw ng araw na palubog
Sige, manood
Panoorin natin kung papa’no magpapalitan ang araw at ang buwan
Para tayong nasa langit dalawa dahil sa kapal ng mga usok sa ‘ting kapaligiran
Nabalot na tayo ng usok (nabalot na tayo)
Sa kwartong may apat na sulok
Nagsalo sa iisang kumot
Palihim na magkasamang matulog
Alak, usok, at iba pa
Kapag hindi kita kasama ay wala ring halaga
[Chorus: Pino G]
Making love, sex, dreams
Making love, sex, and dreams
Love, sex, dreams
Those things without you are nothing

[Verse 2: Lo Ki]
Dahil tumitigil ang ihip ng hangin, pagtitig
Mo sa akin, mundo ko bigla na lang tumahimik
Bumabagal ang takbo ng oras sa ‘king paligid
Sana'y hindi na magising kung sakaling panaginip
Man ang lahat
Sa pagpasok mo sa mundo ko, ‘wag ka na sanang lumabas
Sana, yeah yeah, sana
Sa huling oras ng buhay ko ay ikaw ang makasama

[Chorus: Pino G]
Making love, sex, dreams
Making love, sex, and dreams
Love, sex, dreams
Those things without you are nothing