Juris
Langis At Tubig
Tubig at langis
Ang katayuan nati'y yan ang kawangis
Pilitin mang magsama'y may mahahapis
Ganyan-ganyan tayong dalawa
Ang panuntana'y magkaiba

Langis at tubig
'Di mapagsama ng tunay mang pag-ibig
Hinanakit ang siyang laging mananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba

Tubig at langis
Idarang man sa init 'di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay 'di maalis
Kung labis...

Bakit nanaig
Ang dusa sa ligaya sa ating daigdig
May dasal ba akong hindi niya narinig
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis ika'y tubig

Tubig at langis
Idarang man sa init 'di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ya 'di maalis
Kung labis...
Bakit nanaig
Ang dusa sa ligaya sa ating daigdig
May dasal ba akong hindi niya narinig
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis ika'y tubig...

Ako'y langis ika'y tubig...