[Chorus]
Kahit nakapikit mata, naririnig kita
Kahit nakatakip tainga, nakikita kita
Hindi ako perpekto katulad ng iba
Pero kahit naka—
[Verse]
Pinapaikot ng mga lumot, 'yung mga utak kinukurakot
'Pag hindi ka natakot Ika'y isasapot, gobyerno ang surot, bansa ating kumot
Puro dada, wala sa gawa, sige ngiti, 'di nakakatuwa
Mga puro pangako, lahat butata, ubos na pasensya naming madla
Kumakalam na 'yung mga sikmura, biglang papasok oportunista
Kakalimutan ka para sa pera, pakikisama, 'yan ang binebenta
Didiretso ka pa ba sa ating liku-likong sistema o sasama ka sa akin puksain ang epidemya?
Na lumaganap, nagpahirap sa mahirap
Tumatapos ng pangarap, 'di na mahagilap 'yung mga ulap
Habang tayo'y naghihirap, sila, sige sa pagkalap ng yaman na dapat panglingap sa ating mahihirap
[Bridge]
Hindi ko nilalahat, hindi lahat nagkakalat
Sa dami ng hayop sa gubat, alam ko hindi lahat nangangagat
Silipin mo sa daksipat, makikita sinong tapat
Hindi sapat ang iyong mata, 'pagkat hindi ka pa mulat
[Chorus]
Kahit nakapikit mata, naririnig kita
Kahit nakatakip tainga, nkikita kita
Hindi ako perpekto katulad ng iba
Pero kahit nakapikit mata, naririnig kita