Celeste Legaspi
Pandangguhan Medley
[Verse 1]
Manunugtog ay nangagpasimula
At nangagsayaw na ang mga mutya
Sa mga padyak, parang magigiba
Ang bawat tapakan ng mga bakya

[Verse 2]
Kung pagmamasdan ay nakatutuwa
Ang hinhin nila'y hindi nawawala
Tunay na hinahangaan ng madla
Ang sayaw nitong ating Inang Bansa

[Verse 3]
Dahil ang isang mutyang Paraluman
Ay kasingganda ng Dagat Silangan
Mahal na hiyas ang puso ng hirang
Ang pag-ibig niya'y kay hirap kamtan

[Verse 4]
Kung hindi taos ay mabibigo
Sa mga pagsuyong inaalay
Kung hindi taos ay mabibigo
Sa mga pagsuyong inaalay

[Verse 5]
Sa aking pagtulog ako'y pinukaw
Ng isang panaginip na mainam
Ikaw raw at ako ay nagsumpaan
Ng pagmamahal hanggang kamatayan
[Verse 6]
Tahimik na gabing lumipas
Nagising akong naghahanap
Irog ko, ikaw ang tinatawag
Na lilingap-lingap

[Verse 7]
Ang akala ko ay tunay
Panaginip lamang pala
Kaya ako ngayo'y nalulumbay
Puso ko'y nasugatan
Sa ating pagmamahalan

[Verse 8]
Isang gabi, maliwanag
Ako'y naghihintay sa tunay kong nililiyag
Namamanglaw ang puso ko
At ang diwa ko'y laging nangangarap

[Verse 9]
Malasin mo giliw ang saksi ng aking pagmamahal
Bituing nagniningning, kislap ng tala't liwanag ng buwan
Ang siyang magsasabi ng pag-ibig ko'y sadyang tunay
Araw gabi, ang panaginip ko'y ikaw

[Verse 10]
Magbuhat ng ikaw ay aking inibig
Ako ay natutong gumawa ng awit
Pati ang puso kong dati'y matahimik
Ngayo'y dumadalas ang tibok ng aking dibdib
[Verse 11]
Halina aking mahal
Ligaya ko ay ikaw
Kapag 'di ka natatanaw
Ang buhay ko ay anong panglaw

[Verse 12]
Kung may pista sa aming bayan
Ang lahat ay nagdiriwang
May lechon bawat tahanan
May gayak pati sambahan

[Verse 13]
Paglabas ni Santang Mariang mahal
Kami ay taos na nagdarasal
Prusisyon dito ay nagdaraan
Kung kaya't ang iba'y nag-aabang

[Verse 14]
May tumutugtog at may sumasayaw
Mayro'ng sa galak ay napapasigaw
Ang pista sa bayan namin ay ganyan
Ang saya tila walang katapusan

[Verse 1]
Manunugtog ay nangagpasimula
At nangagsayaw na ang mga mutya
Sa mga padyak, parang magigiba
Ang bawat tapakan ng mga bakya
[Verse 2]
Kung pagmamasdan ay nakatutuwa
Ang hinhin nila'y hindi nawawala
Tunay na hinahangaan ng madla
Ang sayaw nitong ating Inang Bansa