初音ミク (Hatsune Miku)
Entropy
[Verse 1: Hatsune Miku]
Lumipas na ang oras nandito parin ako
Nagbibilang ng luha na hindi natutuyo
Natulala at naliligaw sa aking isipan
Ang ala-alang aking binabalik-balikan

[Pre-Chorus: Hatsune Miku]
Pipikit na lang ako
Kailan ba ito hihinto?

[Chorus: Hatsune Miku]
Sa bawat pag-sikat ng araw
Madilim na paligid ang natatanaw
Sa bawat pag-ikot ng mundo
Ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo

[Verse 2: Hatsune Miku]
Sumisigaw sapagkat walang nakakadinig
Nakatingin sa silwuta mong di umiimik
Nakahiga at nalulunod sa aking pagluha
Ang ala-alang ating di na malilimutan

[Pre-Chorus: Hatsune Miku]
Pipikit na lang ako
Habang ika'y lumalayo sa akin

[Instrumental]

[Bridge: Hatsune Miku]
Ang kwento natin ay lumilipas at umuulit
Saglitang umiihip na parang hangin
Pag-sapit ng bukas ako ay umaasa muli
Na ikaw at ako ay muling magkatabi

[Chorus: Hatsune Miku]
Sa bawat pag-sikat ng araw;
Madilim na paligid ang natatanaw
Sa bawat pag-ikot ng mundo;
Ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo