[Verse 1]
Paano nalimutan ang lahat
Na kahit konti, walang pasabi
Paanong nalimutang banggitin
Na nagbago na ang pagtingin (Oh, oh)
[Chorus]
Wala na rin naman kahit na balikan
Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan
At sa huling paalam naintindihan
Na sa ating dalawa, may ibang nakalaan
[Verse 2]
Paanong burahin ang sandaling
Naiguhit sa panaginip
Kung sa pag gising ko ikaw parin
Ang nasa isip, hindi maitanggi (Oh, oh)
[Chorus]
Wala na rin naman kahit na balikan
Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan
At sa huling paalam naintindihan
Na sa ating dalawa, may ibang nakalaan
[Bridge]
Patawad, paalam
Patawad, paalam
[Chrous 2]
Patawad kung ikaw ay aking nasaktan
Hindi ko nabigay ang iyong kailangan
At ang huling pangakong maibibigay
Na sa ating dalawa ay wala nang sisihan
Patawad, paalam sa'ting nakaraan