JM De Guzman
Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong
Ala una ng umaga na naman
Hanap pa rin ang ‘yong amoy sa ‘king unan
Kanina pa nakahiga sa aking kama
Pilit limutin ang ganda ng ‘yong mata
Sa mga bituin nalang kaya ibubulong?
Ang mga lungkot na aking nadarama
Hihintayin na lamang ang panahon
Na paggising ko ay nariyan kana
Alas-tres na ng umaga na naman
Hinihintay na bumaba na ang buwan
Kanina pa paikot-ikot sa kama
Tulad ng pag-ibig nating dalawa
Sa mga bituin nalang kaya ibubulong?
Ang mga lungkot na aking nadarama
Hihintayin na lamang ang panahon
Na paggising ko ay nariyan kana
Sana'y landas nati’y magtagpo
At hahanapin ang tayo
Sa mga bituin nalang kaya ibubulong?
Ang mga lungkot na aking nadarama
Hihintayin na lamang ang panahon
Na paggising ko ay nariyan kana
At babalik ka na sa'kin aking sinta