Kamikazee
Mmm Sarap
[Verse 1]
'Di ko mapigilang ngumiti 'pag ika'y nakikita
Para kang isang regalong nagbibigay-saya
Nagtataka kung anong hiwagang mayro'n ka
Sana ang nadarama ay 'di na lumipas pa

[Verse 2]
Para bang namamasyal sa ulap tuwing kasama ka
Pati mga problema ko'y biglang limot ko na
Ang oras ay biglang natrapik, biglang humihinto
Sulit ang bawat minutong ika'y naririto

[Chorus]
Kay sarap isipin na nariyan ka 'pag ako'y nalulumbay
Basta't kasama ka, lahat ng bagay ay puno ng kulay
Naririnig ang daloy ng tubig at ihip ng hangin
Sa piling mo'y naglalakbay ako at nananaginip

[Verse 3]
Ano bang meron ka at ako'y naakit mo?
Mapungay ang mata kapag ika'y kasama ko
Basta't kapiling ka, ako ay ayos na
At sa bawat gitgit iyong makikita na mahal kita

[Chorus]
Kay sarap isipin na nariyan ka 'pag ako'y nalulumbay
Basta't kasama ka, lahat ng bagay ay puno ng kulay
Naririnig ang daloy ng tubig at ihip ng hangin
Sa piling mo'y naglalakbay ako at nananaginip
[Instrumental Break]