Kamikazee
Narda (Acoustic)
[Verse 1]
Tila ibon kung lumipad
Sumabay sa hangin
Ako'y napatingin
Sa dalagang nababalot ng hiwaga
Mapapansin kaya
Sa dami ng 'yong ginagawa?
Kung kaagaw ko ang lahat
May pag-asa bang makilala ka?

[Pre-Chorus]
Awit na nananawagan
Baka sakaling napakikinggan
Pag-ibig na palaisipan
Sa kanta na lang idaraan

[Chorus]
Nag-aabang sa langit
Sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala
Kahit sulyap lang, Darna

[Verse 2]
Ang suwerte nga naman ni Ding
Lagi ka niyang kapiling
Kung ako sa kanya
Niligawan na kita
Mapapansin kaya
Sa dami ng 'yong ginagawa?
Kung kaagaw ko ang lahat
May pag-asa bang makilala ka?
[Pre-Chorus]
Awit na nananawagan
Baka sakaling napakikinggan
Pag-ibig na palaisipan
Sa kanta na lang idaraan

[Chorus]
Nag-aabang sa langit
Sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala
Kahit sulyap lang, Darna

[Verse 3]
Tumalon kaya ako sa bangin
Para lang iyong sagipin
Ito ang tanging paraan
Para mayakap ka
Darating kaya (Darating kaya)
Sa dami ng ginagawa? (Sa dami ng 'yong ginagawa)
Kung kaagaw ko sila
Paano na kaya?

[Pre-Chorus]
Awit na nananawagan
Baka sakaling napakikinggan
Pag-ibig na palaisipan
Sa kanta na lang idaraan
[Chorus]
Nag-aabang sa langit
Sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala
Kahit sulyap lang, Darna
Nag-aabang sa langit (Sa langit)
Sa mga ulap sumisilip (Sumisilip)
Sa likod ng mga tala
Kahit sulyap lang, Darna