Kamikazee
Director’s Cut
[Verse 1]
Pagmulat ng mata, agad kong naalala
Kagabi sinabi mo ayaw mo na
May mali ka bang nakita?
May mali bang nagawa?
Bigla na lang naisip mo ayaw mo na

[Verse 2]
Lahat ng gusto mo, tamang sunod ako
Nagtataka, bakit biglang ayaw mo na?
Binigla mo nang lubusan
Nang ako'y iyong iwanan
Isang iglap naisip mo ayaw mo na

[Pre-Chorus]
Lumingon sandali lang
Bago mo tuluyang iwan
Nais kong

[Chorus]
Sumigaw (Sumigaw) palabas (Palabas)
At sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo (Tumakbo) palayo (Palayo)
At iiwanan na ang alaala mo

[Verse 3]
Nanginginig, nalulungkot, nahihibang at tulala
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Nag-iisa, umiiyak, nahihirapang huminga
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Nanginginig, nalulungkot
[Pre-Chorus]
Lumingon sandali lang
Bago mo tuluyang iwan
Nais kong

[Chorus]
Sumigaw (Sumigaw) palabas (Palabas)
At sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo (Tumakbo) palayo (Palayo)
At iiwanan na ang alaala mo

[Bridge]
At kung hindi na babalik (At kung hindi na babalik)
Sana sa paggising ay wala na ang nadaramang sakit
At kung hindi na babalik (At kung hindi na babalik)
Pilit sasabihin na hindi ako nagkamali

[Chorus]
Sumigaw (Sumigaw) palabas (Palabas)
At sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo (Tumakbo) palayo (Palayo)
At iiwanan na ang alaala mo

[Outro]
Sumigaw (Sumigaw) palabas (Palabas)
At sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo (Tumakbo) palayo (Palayo)
At iiwanan na ang alaala mo