Kamikazee
Narda
[Verse 1]
Tila ibon kung lumipad
Sumabay sa hangin
Ako'y napatingin
Sa dalagang nababalot ng hiwaga

[Pre-Chorus]
Mapapansin kaya sa dami ng 'yong ginagawa?
Kung kaagaw ko ang lahat
May pag-asa bang makilala ka?

[Chorus]
Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan
Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idaraan
Nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang, Darna

[Verse 2]
Ang swerte nga naman ni Ding
Lagi ka niyang kapiling
Kung ako sa kaniya
Niligawan na kita

[Pre-Chorus]
Mapapansin kaya sa dami ng 'yong ginagawa?
Kung kaagaw ko ang lahat
May pag-asa bang makilala ka?
[Chorus]
Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan
Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idaraan
Nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang, Darna

[Bridge]
Tumalon kaya ako sa bangin
Para lang iyong sagipin
Ito ang tanging paraan
Para mayakap ka

[Pre-Chorus]
Darating kaya sa dami ng ginagawa?
Kung kaagaw ko sila
Paano na kaya?

[Chorus]
Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan
Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idaraan
Nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang, Darna

[Outro]