Kamikazee
Alay
[Verse 1]
Pinagpala ang makilala ka
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
At sa'yong mga mata
Pag-ibig ay damang-dama
'Di masusukat aking ligaya

[Pre-Chorus]
Ngunit sa kabila ng lahat
Ika'y aking nakakalimutan
At sa oras ng kahinaan
'Di ka nang-iiwan

[Chorus]
Ito ay alay ko sa'yo (Ito ay alay ko sa'yo)
Panalangin ng isang hamak na katulad ko, oh
Ito ay alay ko sa'yo (Ito ay alay ko sa'yo)
Awiting kinakanta ng puso ko

[Verse 2]
Pinagpala ang makilala ka
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Lahat ng ito'y wala kundi dahil sa'yo
'Di masusukat ang iyong puso

[Pre-Chorus]
Ngunit sa kabila ng lahat
Ika'y aking nakakalimutan
At sa oras ng kahinaan
'Di ka nang-iiwan
[Chorus]
Ito ay alay ko sa'yo (Ito ay alay ko sa'yo)
Panalangin ng isang hamak na katulad ko, oh
Ito ay alay ko sa'yo (Ito ay alay ko sa'yo)
Awiting kinakanta ng puso ko

[Instrumental Bridge]

[Outro]
Ito ay alay ko sa'yo (Ito ay alay ko sa'yo)
Panalangin ng isang hamak na katulad ko, oh
Ito ay alay ko sa'yo (Ito ay alay ko sa'yo)
Ganap na pagsuko sa piling mo