Illicit
Alapaap
Verse 1:
Nagkakape habang nag iisip dapat gising
Ang lakas ko ng magyosi, ngunit baket laging bitin?
Baket ginugusto ang sa sarili magpawasak?
Kakaibang pakiramdam nananatili ang pahamak

Naglalakad ng may saya natutuwa sa araw
Parang ibon na malaya, kaluluwa ng bayan
Kaya mapungay ang mata, lahat inaalam ko na
Sinasabayan ang paglubog ng araw, nalulungkot na parang buwan

Asa gitna ng dagat, mag isang nagsasagwan
Nakikipagsapalaran, pangarap ang laman

Kaya mataba ang aking utak, lahat sila nagsisipag
Ako nagtatyaga, dahil sa magkakaibang pangarap
Na hanap ng bawat isa, nawa'y maganap kahit magkakaiba ang timpla

Kahit laging pakiramdam ko mag isa
Naniniwala't umaasa parin na balang araw o bukas ihip ng hangin sakin ay magiiba

Chorus:
Samahan mo ko na mangarap, lilipad sa alapaap
Wag kang kukurap. Saksi ang mga ulap sa pagsulat
Saking palad, ang tadhana ay natutuwa 2x
Verse 2:
Maraming nagtanong sa paligid, baket daw tahimik?
Simple lang sagot, nag-iisip, nagmamasid
Hindi normal katulad ng iba, iniisip pag angat
Humarang saken ay giba
Imahinasyon dulot ng pagkabagot
Mga likhang ilusyon, problema ay nasasagot
Hirap intindihin, iba ang kulay sa nakasanayan
Hindi lahat ng tunay ay nasisilayan

Chorus:
Samahan mo ko na mangarap, lilipad sa alapaap
Wag kang kukurap, Saksi ang mga ulap sa pagsulat
Saking palad, ang tadhana ay natutuwa