SUD
Yakal
[Intro]
Pasensya na kung lumalamig na
Ang pwesto ko sa 'yong kama

[Verse 1]
Hinahanap ka nila sa 'kin
Ba't biglang 'di ka nakikita
Sa t'wing dumarating, parang may kulang
'Di na ba ako isang tao lang?

[Pre-Chorus]
At 'di ko pa nasabi
Sa alagang nangungulila
Hinihintay ka lagi
Umaasang babalik

[Chorus]
Pasensya na kung lumalamig na
Pwesto ko sa 'yong kama
Kung naiisip mo pa rin ako
Naiisip pa rin kita

[Verse 2]
Dahan-dahan at 'di magmamadali
Na bibitawan, mga alaalang nakangiti ka sa 'kin
[Pre-Chorus]
Pati ang pisngi na laging pisil
Pati ang yakap mong malambing
Na laging hanap sa pag-uwi
'Di na maibabalik

[Chorus]
Pasensya na kung lumalamig na
Pwesto ko sa 'yong kama
Kung naiisip mo pa rin ako
Naiisip pa rin kita

[Outro]
Pasensya na kung lumalamig na
Pwesto ko sa 'yong kama