[Verse 1]
Heto na naman ang pusong gising na gising
Sabik sa mga yakap mong kay lambing
Umaga na pala, pero walang pakialam
Kausap ka, pahingi pa nang sandali
[Pre-Chorus]
Minsan lang ako magkaganito
Puso kong umidlip, ginising mo
[Chorus]
Ang panalangin ko
Ako sana'ng naiisip mo
Bago pumikit ang iyong mata
Ayokong managinip nang mag-isa
[Verse 2]
Heto na naman lumusong ang pusong sabik
'Di na mahintay masilayan ang iyong labi
Gabi na, pero iniisip ko pa rin
Buong araw mo sa aking piling
[Pre-Chorus]
Minsan lang ako hindi malito
Puso kong naligaw ay nahanap mo
[Chorus]
Ang panalangin ko
Ako sana'ng naiisip mo
Bago pumikit ang iyong mata
Ayokong managinip nang mag-isa
Ang panalangin ko
Ako sana'ng naiisip mo
Bago pumikit ang iyong mata
Ayaw na managinip nang mag-isa
[Outro]
'Di makatulog, 'di makatulog
'Di makatulog, 'di makatulog
'Di makatulog, 'di makatulog
'Di makatulog, 'di makatulog