[Verse 1:]
Alas dos ng madaling araw, antok di pa dumadalaw
Magpabaga ng damo sabay ng basong umaapaw
Isang lunok, isang buga, layo sa mga mababaw
Ang aking destinasyon, sa bagsakan ng bulalakaw
Pakinggan mo ang hiling
Sa dami ng problema ng mundo, ako dapat ang alisin
Panalanging malayo sa tao na mapag angkin
Kanya kanya ang galaw pano pa mapapansin
Ugaling peke, pekeng kanin, dami ng fi-finesse
Basta ba may benepisyo, ay tsak ang bibilis
Manlalamang ng kapwa pang sariling interest
At pagtapos makatapak, magpopost ng feeling blessed (yuck!)
Teka, nakaka walang pasensya
Walang kalma, nasobrahan ng papuri sa tenga
Sa mundong mapang mata, nabulag ka sa pera
Matuto kang makuntento, wag pagapos sa kadena
[Chorus:]
Ano bang mapapala
Sa problema mong dala
Ano bang mapapala
Walang mababa sa mapungay na mata
Ano bang mapapala
Sa problema mong dala
Ano bang mapapala
Walang mababa sa mapungay na mata
[Verse 2:]
Imbis na mang boka, isinde mo yan ng Doja
Mag bingi-bingihan sa mga mahihilig mangontra
Ang kikitid mga utak, daig pa mga chismosa
Kung makapag salita, kala alam ang iyong story
Mga feeling, at sasabihin
"Wala kang kwenta, puro kwento" ang kikitid
Sa trending ay naging alipin, mga mali rin
Kung hindi mo ko magets, wag ako sisihin, isipin
Di tayo magka ere, bawal dito peke
Magkaiba ng isip, hindi ka dito pwede
Kaya tigilan niyo ko peste
Buhay ko hindi librong bukas, hindi teleserye
Teka, pahingi munang pasensya
Kalmado lang ako saking alak usok at pera
Sa mundong mapang mata, kinulang ata sa tenga
Matuto kang makinig, wag pagapos sa kadena
[Chorus:]
Ano bang mapapala
Sa problema mong dala
Ano bang mapapala
Walang mababa sa mapungay na mata
Ano bang mapapala
Sa problema mong dala
Ano bang mapapala
Walang mababa sa mapungay na mata