Daryl Ong
Minamahal Pa Rin Ako
Inaamin ko
Ako'y nagkulang sa'yo
‘Di binigyang halaga

Ang ‘yong damdamin
Binalewala ang lahat sa atin

‘Di ko inakala na
Pagmamahal mo ay sadyang hindi nagbabago
Kahit paulit-ulit na sinasaktan, ang puso mo
Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako

Patutunayang muli. Itatama ang pagkakamali
Nasayang na panahon
At pagkakataon
Ibabalik ko ang kahapon

‘Di ko inakala na
Pagmamahal mo ay sadyang hindi nagbabago
Kahit paulit-ulit na sinasaktan, ang puso mo
Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako

Umaasa sa pangako mo
Na kailanma'y
‘di susuko. At ‘di ka lalayo