Jaya
Wala Na Bang Pag-Ibig
[Verse 1]
Makakaya ko ba
Kung mawawala ka sa 'king piling?
Pa'no ba aaminin?
Halik at yakap mo
Ay 'di ko na kayang isipin
Kung may paglalambing

[Pre-Chorus]
'Pag wala ka na sa aking tabi
Tunay na 'di magbabalik
Ang dating pagmamahalan, pagsusuyuan
At tuluyan bang hahayaan

[Chorus]
Wala na bang pag-ibig sa puso mo?
At 'di mo na kailangan
Ang pag-ibig na dati'y walang hanggan
Pa'no kaya ang bawat nagdaan?
Ohh-ohh

[Verse 2]
Makakaya ko ba
Kung tuluyang ika'y wala na?
At 'di na makikita
Paano ang gabi
Kapag ika'y naaalala?
Saan ako pupunta?
[Pre-Chorus]
'Pag wala ka na sa aking tabi
Tunay na 'di magbabalik
Ang dating pagmamahalan, pagsusuyuan
At tuluyan bang hahayaan

[Chorus]
Wala na bang pag-ibig sa puso mo?
At 'di mo na kailangan
Ang pag-ibig na dati'y walang hanggan
Pa'no kaya ang bawat nagdaan? (Pa'no kaya)

[Outro]
Wala na bang
Wala na bang pag-ibig sa puso mo?
At 'di mo na kailangan
Ang pag-ibig na dati'y walang hanggan
Pa'no kaya?
Wala na bang pag-ibig sa puso mo?
At 'di mo na kailangan
Ang pag-ibig na dati'y walang hanggan
Pa'no kaya ang bawat nagdaan?
Wala na ba?
Wala na bang pag-ibig?