Quest (PHL)
Barkadang Tunay
[Intro]
Kung ika'y nagsimula sa wala
'Yung tipong galing sa pinakababa
Nabigo, nasaktan, nadapa
Pero hindi huminto kahit may kaba, hoy!
Magandang balita, kaibigan, hindi ka nag-iisa
Meron kang karamay, sandigan
Tara at makinig ka na

[Verse 1]
Sa'yong paglalakbay sa hamon ng buhay
Sa bawat paghakbang, ano man ang hadlang
'Di pwedeng mag-isa, mahirap 'pag walang kasama
Kailangan mo ng katulad, kapareho ng puso at utak

[Refrain]
'Yung hindi bibitaw, hindi mawawalan ng gana
'Yung sa simula hanggang sa huli, tiyak na iyong makakasama
Karagdagang lakas, uh, sa pag-angat ng antas
Kasama sa pagdiriwang, ngayon tayo magdiwang

[Chorus]
Nandirito kami, umaga hanggang gabi
Matalo o magwagi, ganyan ang barkada
Laging na sa'yong tabi, simula hanggang sa huli
'Wag nang pahuhuli, sali na sa barkada
Tunay mong barkada
[Verse 2]
Ikaw man ang panalo, hindi patatalo
Sa'n mang sulok ng mundo laging ganado
Sobra man o sakto, biglaan o planado
Boyscout ang galawan, laging handa 'to
Pinagdududahan, ngayon hinahangaan
Tunay na kampeon ano man ang larangan
Ano man ang entablado, asahan ang panalo
Basta kasama ang barkada, sigurado