Quest (PHL)
Bago
[Verse 1]
Gaano man kalayo
Kahit nasa kabilang ibayo
Mahirap man o malabo
Hindi na 'to titigil (No, no)
Kailangan ko bang dumayo
Pakinggan lahat ng payo
Basta matupad lang tayo
Gagawan natin ng paraan

[Refrain]
Kung kailangang lumaban
Anong kailangang daanan
Kahit merong humarang
Wala 'kong balak huminto
Kahit ga'no katayog
Sige puso, padayon
Balewala mga hamon
Siguradong-sigurado na 'to

[Chorus]
Ikaw lang at wala nang iba
Wala nang mas hihigit pa
Ano man ang sabihin nila
Hindi na 'ko magbabago
Ikaw lang at wala nang iba
Wala nang mas gaganda pa
Sa pag-ibig na sa'tin lang dalawa
Hindi na 'to magbabago
Hindi na 'ko magbabago (Oh no, no)
[Verse 2]
'Pag nadapa tatayong muli
Bigay-todo kahit na huli
Maging dahilan lang ng iyong ngiti
Walang makakapigil (No, no)
Hindi na mag-aatubili
Pero 'di kailangan magmadali
Susulitin bawat sandali
Hanggang malampasan ang dulo

[Refrain]
Araw-araw lalaban, lahat kayang daanan
Kahit sinong humarang
Wala 'kong bumalak huminto
Ga'no man 'yan katayog
Basta puso, padayon
Anuman ang humamon
Siguradong-sigurado na 'to

[Chorus]
Ikaw lang at wala nang iba
Wala nang mas hihigit pa
Ano man ang sabihin nila
Hindi na 'ko magbabago
Ikaw lang at wala nang iba
Wala nang mas gaganda pa
Sa pag-ibig na sa'tin lang dalawa
Hindi na 'to magbabago
[Bridge]
Siguradong-sigurado itataya ko pati pato
Kahit lagay mo sa dehado
Hinding-hindi 'to patatalo
Siguradong-sigurado habang buhay 'tong ganado
Wala na akong ibang plano
Puso mo ay ipanalo

[Chorus]
Ikaw lang at wala nang iba
Wala nang mas hihigit pa
Ano man ang sabihin nila
Hindi na 'ko magbabago
Ikaw lang at wala nang iba
Wala nang mas gaganda pa
Sa pag-ibig na sa'tin lang dalawa
Hindi na 'to magbabago
Hindi na 'ko magbabago
Ikaw lang at 'yan ang aking pangako
Hindi na 'ko magbabago
Alay ko'y pag-big na bago

[Outro]
Siguradong-sigurado itataya ko pati pato
Kahit lagay mo sa dehado
Hinding-hindi 'to patatalo
Siguradong-sigurado habang buhay 'tong ganado
Wala na akong ibang plano
Puso mo ay ipanalo