MC Einstein
Titig
[Intro]
Haftway house, you know what I mean?

[Verse 1: Flow G]
Ewan ko kung pa'no ko bibitbitin
'Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin (Ooh)
Ayoko rin naman 'to kimkimin
Kaso mukhang hindi ko pa rin 'to sa'yo kayang banggitin
At baka isnabin mo lang at 'di mo pansinin
Bitin kahit na empi, beer at gin ang inumin
'Yung tapang ay wala pa rin, sa'n ko hihiramin?
Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin
Pa'no sasama kung hindi ako nag-aaya?
Pa'no tatama kung hindi ako tumataya?
Minsan iniisip ko na 'wag na lang kaya
Kaso 'yung isip ko ay nagbabago din maya-maya
At sobra sa pag-asa kulang sa kumpyansa
Kaya mukhang malabong magkatyansa (Tyansa)
Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo, Basha
'Yan ang matagal ko nang pantasya

[Chorus: MC Einstein]
Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
At pinag-iisipan ko kung anong paraan
Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala? (Oh)
Sa'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya
[Verse 2: Yuridope]
'Di lang ako kumikibo, matagal nang tumitibok
Ang puso ko para sa'yo kaso minsan kumikirot (Woo)
'Di ko kasi masabi, 'di ako umaarte lang
'Di ko lang alam kung papaano aatake
Kasi baka naman ako ay tablahin
Kaya tinatak sa isip ko na 'wag nang tangkain
Panaginip lang lahat ng 'yon ako ay tampalin
Para gising na 'ko tamang panahon aantayin
Ko na lamang kasi wala naman masama sa magtyaga (Woo)
Kung para sa akin ka, eh 'di mag-aabang ako
Hanggang sa merong mapala
Kaso wala naman magaganap lalo't 'pag wala akong ginawa
'Tsaka baka mamuti lang ang mata
'Pag nag-antay ng himala (Oh)
'Di naman malabo na mapansin mo 'ko kapag 'di ako nagtatago
Kailangan ko lamang na maging matapang
Kung gusto ko na magka-tayo
Wala naman kasing ibang paraan
Kung sa takot ay magpapatalo
Kawawa lang ako puro lang tingin sa malayo
Kailangan ko ng pagbabago kasi

[Chorus: MC Einstein]
Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
At pinag-iisipan ko kung anong paraan
Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala? (Oh)
Sa'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya
[Verse 3: Jekkpot, MC Einstein]
Kay tagal na din pala kung iisipin mo
Kaso hindi mo pala 'to alam, sinong sisisihin ko?
Kun'di sarili ko na labis ang takot na baka mapahiya lang
Torpe man akong ituring ay wala akong pakialam
Sa sasabihin ng mga hibang na walang pake sa nararamdaman
Sana din iyo 'tong maramdaman
Na mahal kita nang hindi mo alam
Nabihag mo kasi ganda mo pang-fantasy
'Yan ang pinoproblema ko, ako ay simple lang kasi
Pa'no ba kita mapapa-ibig? (Mapapa-ibig)
Sa mga mata'y 'di makatitig ('Di makatitig)
Baka diskarte ko magkaloko-loko
Kaso hindi ko na mapigilan na ika'y masolo ko (Masolo ko)
Sa pa'nong atake kita makakausap? (Makakausap)
Hindi ko mawari baka ika'y magulat (Baka ika'y magulat)
'Pag ako'y lumapit na kaba sa dibdib ko'y matik na
Nais ko lang ay malaman mo na
Noon pa man ay matagal na kitang

[Chorus: MC Einstein]
Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan
At pinag-iisipan ko kung anong paraan
Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala? (Oh)
Sa'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya
[Outro]