Guddhist Gunatita
Nanlalamig
(VERSE 1)

Mahal sabihin mo sakin kung ano
Ang nangyayari tayo ba'y nanlalamig
Katanongan ay marami, minsan nalang magpakita batid kong ikaw ay busy
Lagi kitang iniisip hindi mo ako masisisi
Mahal alam mo bang nais ko sana sayo pumunta
Kaso pinangunahan mo nanaman akong pagod ka
Lubos akong naninibago mahal satin dalawa
Nung huli na pagkikita ay naka simangot ka
Ano ba ang dahilan?
Gagawan kong paraan, ayoko lang naman
Relasyon ay magka labo-an
Naririndi ka na siguro sa dami kong sinasabi
Di kasi ako nasanay na hindi ka nag sasabi, kung saan ka pupunta
May payong kabang dala?
Mahal mag ingat pag nag lalakad lalo pag mag isa
Siguro may tampo ka o meron kanang iba
Mahal nakakatampo na naghahanap ka bang iba?

(CHORUS )

Nasan ka?Nasan ka?
Tuwing ako'y nag iisa
Nasan ka?Nasan ka?
Ba't parang nag iiba na ang iyong himig ng pag-ibig mo, nanlalamig ka ba?
(nasan ka, nasan ka)
(VERSE 2)

Aking mahal kumusta ka?
Gusto kong makita ka
Nananghalian ka naba?
O baka tulog kapa
O baka naman sinasadya mong mag tulog tulogan
Para lang aking mensahe ay patuloy matabunan
Naku sana wag naman, ang pangit na biro yan
Tuwing ako tumatawag laging binababaan
Ba't biglang nagkaganyan
Dati di naman ganyan
Dati nagagalit ka pag di ka nirereplyan
Dati nag tatanong ka pa
Kung saan ako pupunta kung sa aking
Iinuman ay may mga babae ba
Ngayon daig mo pa may utang rason mo ay iba iba
Ako naman itong tanga, laging iniintindi ka
Ibang iba na ang ngayon
Pangit na iyong tugon, saking bawat sinasabi ay di na naka tuon
Di ka naman nawala, pero parang yun na nga
Ang iyong bawat kinikilos ang laking pinag-iba

Nasan ka?Nasan ka?
Tuwing ako'y nag iisa
Nasan ka?Nasan ka?
Ba't parang nag iiba na ang iyong himig ng pag-ibig mo, nanlalamig ka ba?
(nasan ka, nasan ka)
Nasan ka?Nasan ka?
Tuwing ako'y nag iisa
Nasan ka?Nasan ka?
Ba't parang nag iiba na ang iyong himig ng pag-ibig mo, nanlalamig ka ba?
(nasan ka, nasan ka)