Sheryn Regis
Sana'y Ingatan Mo
Pinilit kang iwasan, baka masaktan lang
'pagkat marami nang pag-ibig ang sa 'yo ay nagdaan
Paano pipigilan pagsuyong nararamdaman
Hiling ko lang sa 'yo ay huwag sanang paglaruan
Chorus 1
Ang puso ko sana'y ingatan mo
'pagkat ngayon pa lang magmamahal ito
Ipangako mong sana'y magtatagal
Ang 'yong pagmamahal, hindi magbabago
Sana'y maunawaan aking alinlangan
'pagkat marami nang nakita kong bigo at luhaan
Kaya ang pakiusap sa 'yo ay pakinggan
Hiling ko lang sa 'yo ay huwag sanang paglaruan
Chorus 2
Ang puso ko sana'y ingatan mo
'pagkat ngayon pa lang magmamahal ito
Ipangako mong hindi mo sasaktan
Iiwang sugatan itong damdamin ko

[repeat Chorus 1]
Chorus 3
Ang puso ko sana'y ingatan mo
'pagkat ngayon pa lang magmamahal ito
Ipangako mong hindi mo sasaktan
Iiwang sugatan ang puso kong ito
Coda
Sana'y ingatan mo