Unique (US)
OZONE (Itulak Ang Pinto)
Itulak ang pinto papasok sa sayawan
Sa gabing ito'y may isang inaasahang
Makasayaw at makapiling
Hanggang kinabukasan
Mabubuo ang alaala
Mapapaso ang kaluluwa
Basang basa ng pawis dahil sa
Arsonista kong mata
Magliliyab kapag ako'y
Lumapit ng tuluyan

Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama
Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama

Tinulak ang pinto ng iilang kaibigan
May kumalat sa loob
Lahat ay nagsitakbuhan
Isang daan kami lumalayo
Mula sa kamatayan
Mabubura ang ala ala
Mapapaso ang kaluluwa
Basang basang ng pawis ang
Pagitan ng aking mata
Naging abo ang ating buhay
At pagibigan

Sunog ang katawan ulo hanggang paa
Dagitab ng bawat isa ay nadarama
Sunog ang katawan ulo hanggang paa
Dagitab ng bawat isa ay nadarama

Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama
Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama

Itulak ang pinto