Parokya Ni Edgar
Amats
[Verse 1]
Nung nag-inuman tayo
Masaya ka, masaya din ako
Ng barkada ko at nang barkada mo
Lagi na lang tayong tinutukso
Ilang bote lang ang lumipas
Ang hirap mo nang makausap
Mapungay na ang iyong mga mata
Ang paligid ay maingay na
Tatlong beses mong ikinuwento
Nung madapa ka diyan sa may kanto
Limang ulit kang nalito
Kung ano ang pangalan ko

[Pre-Chorus]
Pero biglang nawala ang amats ko
Nung madulas ang dila mo
Hindi makapaniwala ang tenga ko
Nung biglang sabihin mo

[Chorus]
Masarap ka palang kausap
Buong maghapon o magdamag
Alam mo ba ang sikreto ko
Matagal na kitang gusto
[Verse 2]
Pagkatapos ng isang linggo
Binantayan ko mga kilos mo
Tinanong ko ang mga kabarkada mo
Wala akong nakuha kahit ano
Tatlong beses kong pinag-isipan
Baka nagpapakipot ka lang
Limang ulit kong sinabi sa sarili
Ganyan talaga ang babae

[Pre-Chorus]
Kaya't biglang nawala ang duda ko
Nadulas lang ang dila mo
Hindi makapaniwala ang tenga ko
Noong sinabi mo

[Chorus]
Masarap ka palang kausap
Buong maghapon o magdamag
Alam mo ba ang sikreto ko
Matagal na kitang gusto

[Verse 3]
'Di ko na mapigilan
Kailangan kong malaman
Tinulungan kitang aminin
Ang matagal mo nang inililihim
Tatlong beses mo akong minura
Sa harap ng iyong barkada
Limang beses na nabasag ang puso ko
Nung sabihin mong ang kapal mo
[Pre-Chorus]
Kaya biglang nawala ang amats ko
Nakagat ko ang dila ko
Hindi makapaniwala ang tenga ko
Sa mga sinabi mo

[Chorus]
Ang labo mo palang kausap
Kapag may beer ka lang matapat
Kahit maubos ang pera ko
Mag-inuman na lang tayo

[Verse 4]
Sana 'pag ubos na ang pulutan
At tapos na ang mga kwentuhan
'Pag simot na ang laman ng bote ko
Sana'y mahal mo ulit ako