Parokya Ni Edgar
Silvertoes
[Verse 1]
'Wag ka nang mag-alala
Hinding-hindi ako in love sa'yo
Bakit ba pakiramdam mo pa yata
Lahat kami ay naaakit mo?
Miss, miss, pakitigil lang, please
Ang iyong pagpapantasya
Hindi ka na nakakatuwa
Ipapagulpi na kita sa gwardyang may batuta
Ah, yah, yah, ah, yah, yah, yah, yah, yah

[Verse 2]
Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ka ganyan
Ang feeling mo'y sabik sa iyo
Ang lahat nang kalalakihan
Sorry, pagpasensyahan mo na
Mali talaga ang iyong inaakala
Lahat kami ay nandidiri sa iyo
Ikaskas mo na sana ang mukha mo sa semento

[Chorus]
'Di kami na-tuturn on sa kutis mong kulay champorado
'Di kami naaakit sa labi mong garabucho
Oh, please naman, pakitanggap mo na lang
Ang katotohanan na ganyan ka 'pinanganak
'Wag ka nang magpapanggap
Na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin
Na ang karakas mo ay ubod ng sama
[Guitar Solo]

[Verse 3]
Siguro nga naman ay may mga mas pangit pa sa'yo
Pero at least hindi sila nagpapa-cute katulad mo
Nakaka-badtrip ka, nakakairita t'wing kita'y nakikita
'Di ko alam, ba't ang laki ng ulo mo?
Mag-ingat-ingat ka, baka ikaw ay sagasaan ko

[Chorus]
'Di kami na-tuturn on sa kutis mong kulay champorado
'Di kami naaakit sa labi mong garabucho
Oh, please naman, pakitanggap mo na lang
Ang katotohanan na ganyan ka 'pinanganak
'Wag ka nang magpapanggap
Na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin
Na ang karakas mo ay ubod ng sama

[Outro]
Oh, please naman, pakitanggap mo na lang
Ang katotohanan na ganyan ka 'pinanganak
'Wag ka nang magpapanggap
Na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin
Na ang karakas mo ay ubod ng sama
Ah, yah, yah, ah, yah, yah, yah, yah, yah