Parokya Ni Edgar
Barkada
[Verse 1]
Heto na ang mga officials ng barkada
Kanya-kanyang kalokohan ang bawat bida
Merong medyo praning
Meron din ang antukin
Kumpleto sa rekado ang barkada namin
Pinagtagpo-tagpo kami ng tadhana
Kahit pinanggalingan namin ay iba-iba
Walang pakialam kung sa'n mapadaan
Basta't sabay-sabay kaming nagtatawanan

[Chorus]
Basta nandyan ang bawat myembro ng tropa
Ang kalokohan ay hindi mawawala
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsaya

[Verse 2]
Musmos pa lang magkakasama na kami
Nagkasundo kahit iba't ibang ugali
Ganyan lang talaga saming munting barkada
Kasa-kasama mo sa hirap at ginhawa
Magkasabay mula sa pagsikat ng araw
Magkasama hanggang daigdig ay magunaw
Sa dami-dami ng aming napagdaanan
Walang tatalo sa aming pinagsamahan
[Chorus]
Basta nandyan ang bawat myembro ng tropa
Ang kalokohan ay hindi mawawala
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsaya

[Verse 3]
'Di na yata magsasawa
Sa 'ming pagsasama-sama
At sa aming barkada
Asahan na hindi mawawala
Ang kalokohan at ang walang
Tigil na tawanan
Sapagkat ang bawat kabarkada
Namin ay sadyang ganyan