Parokya Ni Edgar
Si Aiza, Si Norma, At Si Jen
Aiza, nang makilala ka
'Di ko maipinta
Galak na nadarama
Natataranta sa tuwing tayo ay magkasama
Kahit sa'n magpunta
Abutin man ng umaga

Nais ko ay makapiling kita sa tuwina
Mayakap ka oh sinta
Lagi mong tatandaan na
Ikaw lang at wala nang iba

Ngunit lahat ay nagbago
Nang may biglang dumating sa buhay ko
Hindi ko sinasadyang mahulog ang aking mundo sa kanya
Ang aking mundo biglaang gumuho
Ang aking mundo sa kanya na iikot
Iikot kay Norma

Norma nang makilala ka
Parang mas masaya kapag ikaw ang kasama
Natataranta sa tuwing tayo ay magkikita
Kahit sa'n magpunta abutin man ng tanghali

Nais ko ay makapiling kita sa tuwina
Mayakap ka oh sinta
Lagi mong tatandaan na
Ikaw lang at wala nang iba
Ngunit lahat ay nagbago
Nang may bigla na namang dumating sa buhay ko
Hindi ko sinasadyang mahulog na naman ang aking mundo sa iba
Ang aking mundo bigla na namang gumuho
Ang aking mundo sa kanya naman iikot
Iikot kay Jen

Jen, ikaw na talaga
Kahit sa'n magpunta
Gabi, tanghali’t, umaga
Wala nang iba
Ikaw lang at wala nang iba

Si Aiza, si Norma at si Jen
Si Aiza, si Norma at si Jen
Si Aiza, si Norma at si Jen
Si Aiza, si Norma at si Jen