Parokya Ni Edgar
Tange
[Verse 1]
May commercial na naman kami
Magmumukha kaming tange
Mabuti na lang, ito'y natural lamang
Na magmukha kaming tange (Tange)

[Verse 2]
May pera na naman kami
Para lang magmukhang tange
Mabuti na lamang, kami ay mayaman
Ayos lang magmukhang tange (Tange)

[Verse 3]
Pero 'di kami nag-graduate
Nag-rock and roll lang kami
Kapag tumanda na at wala nang pera
Magmumukha kaming tange (Tange)

[Verse 4]
Naubos na ang kanta ko
Sayang ang mga tattoo
Wala 'kong trabaho, mukha akong gago
Ako'y nagmukhang tange (Tange)

[Verse 5]
Pero masaya naman kame
Kahit nagmukhang tange
'Di nagsisisi sa lahat ng nangyari
No'ng nagmukha kaming tange (Tange)
[Verse 6]
May album na naman kami
Marami namang bumili
May mga sumaya at may tawa nang tawa
Lahat ay nagmukhang tange (Tange)