Parokya Ni Edgar
Iwanan Mo Na Siya
[Verse 1]
'Di mo ba alam
Na kriminal 'yang boyfriend mo?
Nakita ko s'ya dati
Nagtitinda ng drugs sa kalye
Mag-ingat ka, sinta
'Wag kang basta magtitiwala

[Verse 2]
Hindi mo ba napapansin?
Parang ang hina n'ya kumain
Baka naman nagsha-shabu
Mabuti pa, ipakulong na natin
Sindikato tatay n'ya
Kaya siguro s'ya mayaman

[Chorus]
'Wag ka sanang maniwala sa mga katulad n'ya
'Di ka dapat magtiwala at iwanan mo na s'ya
Sapagkat mahal kita at walang ibang magagawa
Kundi sirain ang pangalan n'ya, sinta

[Verse 3]
Nakuwento ko na ba, giliw?
Na ang boyfriend mo ay may pagkabaliw?
Mahilig s'yang kumain
Ng basura at buhangin
Ano ngayon kung pogi s'ya?
Mukha naman s'yang kontrabida
[Verse 4]
'Wag mo sanang sasabihin
Na nanggaling sa 'kin ang lahat ng 'to
Ang sabihin mo na lamang
Ay may nag-text sa 'yo na 'di mo alam kung sino

[Chorus]
'Wag ka sanang maniwala sa mga katulad n'ya
'Di ka dapat magtiwala at iwanan mo na s'ya
Sapagkat mahal kita at walang ibang magagawa
Kundi sirain ang pangalan n'ya, sinta

[Outro]
Sinta
Sinta