ABRA
Bolang Kristal
Verse 1:
Bolang kristal ipakita mo sa akin ang
Kapalaran ni Dante kung sakali lang
Na malulong sa pag inom ng alak
Di alam na papunta sa patibong ang tapak
Mapapahamak, walang paki
Inuman na agad ng hapon hanggang gabi
Hanggang abutin ng umaga, nakatulala na
Walang maalala, parang dumaan sa
Gubat ang itsura, hininga amoy suka
Suka sa sahig at laway sa bibig natuyo na
Puro alak lang ang madalas kasama
Bakit nga ba to mali kung malakas ang tama?
Lasing na lasing, nakaaway ang nobya
Sa gulong ng kapalaran ay nabokya
Naiwan nang wala man lang na halik at yakap
Di alam ang gagawin kundi balik sa alak
Hanggang sa isang gabi, natagpuan
Galing sa inuman at naglalakad sa ulan
Nakapikit at walang imik pauwi na
Nang bigla na lamang nakarinig ng busina
May kotse na biglang pabangga na sa kanya
Di napansin nasa gitna ng kalsada pala sya
Hindi na nagawang, umiwas sapagkat
Namalayan lang ni Dante nung huli na ang lahat
Chorus:
Ang bawat kilos may kahihinatnan
Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan
Minsan, sarili din ang di nadidiktahan
Kung hawak mo naman ang palad mo
Ano naman kailangan mo sa bolang kristal?

Verse 2:
Bolang kristal ipakita mo sa akin ang
Kapalaran ni Dante kung sakali lang
Na malulong at maakit sa droga
Na ipinagbabawal na-adik ng sobra
Nag simula sa alok ng kaibigan
Napatikim at nanng sabog, nakangiti lang
Nakahiligan, dating pangangapa lang
Ang laging pang-aliw naging pangangailangan
Ano pa nga ba? Wala nang namimilit
Kailangan ang tama para sa tamang pag iisip
Para matahimik, para makahirit
Parang nabubuhay sa magandang panaginip
Hanggang sa naging bula ang pera
Nawala na lang kaya nagsimula magbenta
Naging tagatulak ng mga tampalasan
Desisyon na wala ng atrasan
Isang gabi, nang magkabilangan
Ng ka-tropa nya sa droga na walang iwanan
Nakatulog, at paggising ay naisahan
Wala ng droga at pera at ang napagbintangan
Ay sya lang, nalaman at nagalit ang amo
Sapagkat walang natira na kahit na magkano
Di masukat ang bigat ng pighating nadama
Nasisante si Dante at binaril sa panga
Chorus:
Ang bawat kilos may kahihinatnan
Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan
Minsan, sarili din ang di nadidiktahan
Kung hawak mo naman ang palad mo
Ano naman kailangan mo sa bolang kristal?

Verse 3:
Bolang kristal ipakita mo sa akin ang
Kapalaran ni Dante kung sakali lang
Na malulong ng masyado sa sugal
Bakit nga naman makikipagtalo pa tutal
Naglalaro at kumikita. Imposible ba
Dito mabilis ang kita tipong triple pa
Larong baraha, sabong, jueteng at karera
Pag swerte aba syempre pwedeng magkapera
Isang araw, pumasok mag-isa sa casino
Tinaya ang natitirang limang daang piso
Paraiso nang naging isang daang libo
Mula noon, halos nanirahan na dito
Nang biglang bumaliktad ang ngiti sa mga labi
Ubos ang salapi at hindi na makabawi
Pero sabi sabi na madali tong bawian
Bumawi sa casino? Kasinungalingan!
Umutang pa ng pang-gasta sa maton
Puro pusta panay pa talo hanggang sa mabaon
Parang nahigop ang lahat ng malakas na buhawi
Isang gabi nasa bubong ng mataas na gusali
Madalas ang ugali palaban kapag gipit
Pero sa ngayon naka-tanga at nakapikit
Kawawang Dante tapak sa gilid sabay hakbang
Sa dami ng problema nagpakamatay na lang
Chorus:
Ang bawat kilos may kahihinatnan
Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan
Minsan, sarili din ang di nadidiktahan
Kung hawak mo naman ang palad mo
Ano naman kailangan mo sa bolang kristal?

Chorus:
Ang bawat kilos may kahihinatnan
Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan
Minsan, sarili din ang di nadidiktahan
Kung hawak mo naman ang palad mo
Ano naman kailangan mo sa bolang kristal?