Shirebound and Busking
Aninipot
[Verse 1]
Naghuhukay
'Di malaman kung may
Ililibing o hinahanap kinakausap
Mga multo ng kahapon at bukas
Binubura ang bakas
Isip nagbago ulit
Ang binura'y muling ginuhit
[Chorus]
Lupa ay bubunuin
Ang kawalan ay pupunuin
At hahagkan ang kahapon
Yayakapin ang ngayon
[Bridge]
Alaala
Nais bang mawala ka na nang tuluyan?
Bakit 'di mabitawan?
[Verse 2: Bea Lorenzo]
Naghuhukay nang walang humpay
Kumpas ng luha ay sumasabay
Lungkot ay lalamunin ng dilim
'Di abot ng buwan ang ilalim
[Chorus]
Lupa ay bubunuin
Ang kawalan ay pupunuin
Hahagkan ang kahapon
Yayakapin ang ngayon
[Outro]
Lupa ay bubunuin
Ang kawalan ay pupunuin
Hahagkan ang ngayon
Yayakapin ang noon