Shirebound and Busking
KKPWP

[Verse 1]
Sakay ang kabayong kinakalawang
Malignong 'di tinatablan ng bawang
Sa pangil na tingga, ika'y mawawala
Buti na lang tayo'y may panangga

[Chorus]
Ang aking gitara, pamatay pasista
Laging nakakasa, pasabog na kanta
'Di tayo papahuli sa kanila

[Verse]
Kung manlulupig ay kababayan
Ay aanhin ko pa ang dayuhan?
Lahat sila'y apo, ni Lolo Emilio
Doon kayo sa Uncle [?] ninyo

[Chorus]
Ang aking gitara, pamatay pasista
Laging nakakasa, pasabog na kanta
'Di tayo papahuli sa kanila

[Bridge]
Sino sa atin ang terorista?
'Yong umaawit lang
O 'yong pumapaslang?
[Chorus]
Ang aking gitara, pamatay pasista
Laging nakakasa, pasabog na kanta
'Di tayo papahuli sa kanila