Shirebound and Busking
Panunumpa

[Intro]
Walang pag-iimbot at buong katapatan
May dilag kang tula at awit sa syang minamahal

[Verse]
Alab ng puso ay hindi mamamatay
Diwa at buhay man sa ‘yo ibibigay
May hihigit pa ba sa pagkadakilang dalisay?

[Pre-Chorus]
Dangal, katarungan, at laya natin ay nagniningning
Bituin at araw kailanpaman ay ‘di magdidilim

[Chorus]
Buhay ay langit sa piling mo
Ligaya ang magmahal nang dahil sa ‘yo

[Hook]
Aling pag-ibig pa?
Aling pag-ibig pa?
Aling pag-ibig pa?
Wala na nga, wala

Aling pag-ibig pa?
Wala na nga, wala
Aling pag-ibig pa?
Wala na nga, wala
Aling pag-ibig pa?
Wala na nga, wala
Wala na nga, wala

[Outro]
Iaalay ko ang aking buhay
Pagsisikap, at pangarap