(Verse 1)

Tumitigil ang pag-ikot ng

Aking munting mundo
Kapag nakikita ang iyong ngiting

Kasing liwanag ng

Araw-araw ninanais marinig

Ang tawang siyang tumunaw

Sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas



(Refrain)

Ngunit kahit magkaharap

Dito ay bumabagyo

Ngunit diyan, umaambon lamang



(Chorus)

Ako’y nakatayo

Sa lilim ng iyong yakap at halik

Ngunit nalulunod pa rin

At nangangarap na maanggihan man lang

Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap



Paano ba patitilain ang bagyo

Kung ang gusto mo lang ay ambon? ohh whooah

Paano na ito? ohh whooah



Paano ba patitigilin ang (Paano na ito?)

Pagbuhos ng bagyo? (Paano na ito?)

Pagbuhos ng bagyo?



Ako’y nakatayo

Sa lilim ng iyong yakap at halik

Ngunit nalulunod pa rin

At nangangarap na maanggihan man lang

Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap



Paano ba patitigilin ang

Pagbuhos ng bagyo?

Pagbuhos ng bagyo? (Paano ba patitigilin ang)



Paano ba patitigilin ang pagkahulog ko sa’yo?



Paano ba patitigilin ang

Pagbuhos ng bagyo?

Pagbuhos ng bagyo? (Paano ba patitigilin ang)



Paano ba patitilain ang bagyo

Kung ang gusto mo lang ay ambon? ohh whooah

Paano na ito? ohh whooah